Thursday, August 14, 2008

A Series of Unfortunate Events

August 14, 2008
1:00 PM - Nagunta si Jha sa NBI Carriedo para kunin ang kanyang BNI Clearance....
2:00 PM - Nakarating si Jha sa NBI...Derecho xa sa Realeasing Section (Step 7)...Prenisenta ang resibo...Chi-neck ng matandang Staff
Staff: (Nakasimangot na para bang hadlang ako sa matagal na niyang hinihintay na Meryenda) Wala pa to dito punta ka sa Step 6 (Registration)
* Punta naman ako sa Steo 6..Tiningnan ni manong ang aking resibo*
Manong: For release na to...Punta ka sa Releasing *Leche kayo*
Staff: Balik ka sa Step 6 sabihin mo wala pa yung record mo...
Jha: Wala pa daw po dun ung record ko (Muling tiningnan ni manong ang resibo, nagbabakasakaling nandoon ang mapa ng Yamashita Treasure)
Manong: A alam ko na pa verify mo dito (Sabay turo sa maliit na table sa likod nia)
*Lumapit ako sa table...Hostile si Manong II...Naabala ko ang matiwasay na pagkain nia ng ginisang mani*
Jha: Magpapaverify po (with all timidity)
Manong II: Anong Surname mo?
Jha: La Traidora (real surname withheld) po...
Manong II: Ah ikaw pala...Alam mo naka-hold ung clearance mo...pano ba naman...tingnan mo ang NBI mo...(sabay labas ng NBI clearance ko na tinakasan na ng kaluluwa...Scotch tape nalang ang nagsisilbing life support system nito)
Manong II: Anong first name mo? (Hindi xa nag-aksayang itago ang pagkairita nia)...
Jha: Marimar po (real name withheld)...
Manong II: Tingnan mo nga d ko mabasa tong nakasulat dito (sabay turo ng mataba niang daliri sa clearance)
Jha: So ano pong gagawin ko? (pinipilit kong maging mahinahon kahit na gustong-gusto ko ng isubo sa kanya lahat ng mani sa kanyang table habang ginigilita ko xa ng leeg)
Manong II: Kailangan ng finger prints mo...punta ka sa baba...kumuha ka ng form tapos ifill-up mo...tas balik ka dito (Talsik-laway si Manong II).
*Ganun nga ang ginawa ko...after nun...pinapunta nia ako sa Correction churva, ok na daw...sapat na ang paghihirap ko ayun sa staff...napasaya ko na daw sila sa araw na ito...pumunta daw ako ng 3:00 sa Releasing para makuha ko na ang leche kong NBI clearance*
*Bumalik ako ng three sa Releasing at nakuha ko na ang aking clearance...malapit na matapos ang pagdurusa ko...Para makakuha ng Renewal Card churva kailangan magbayad ng 120 pesos...OK na un...at least d ko na kailangang mag renew ng mag renew...Wala pang isang minuto nakuha ko na ang card...Masaya na ako...OK na...uuwi na si Jha... Pero hindi pa pala natatapos ang series of unfortunate events ko...Kailangan ng matinding FINALE...ung kakabog sa mga Plays ni Shakespeare...*
Wala pang 5 minutes nawala ko na ang card...cguro 2 minutes lang nawala na xa....hay naku...yan ang finale ng series of unfortunate events ko...lahat nauwi sa wala...gumastos ako ng 1000 para sa wala...nakaka asar...

No comments:

Custom Search