Thursday, August 21, 2008

Canister Scandal: Ang Mga Demonyong Doctors and Nurses





Dear Vicente Sotto Memorial Hospital Doctors, Nurses and Staff (Yung mga involved sa Canister Scandal),







Ngayon ko lang napanood ung “Canister Scandal” at hindi ko mapigilang mainis sa mga walang-hiyang doctors and nurses ng Vicente Sotto Memorial Hospital. Grabe kumukulo ang dugo ko sa mga taong ito na naturingang mga professionals pero ganyan ang asal…Hindi dahil sa bading yung pasyente may karapatan na silang babuyin ito…Ewan ko ba…Yung mga ganyang uri ng hayop na itinatago sa ilalim ng puti nilang uniforms ang napaka-itim nilang budhi ay walang karapatang tawaging alagad ng medisina…Kung ganyan na ang mga mga doctors at nurses dito sa Pilipinas nakakahiya….Mas lalong nakakahiya kung hahayaan lang natin sila…Dapat sa kanila maparusahan…Naku talagang nakakapang-init kayo ng kalamnan…Leche kau…Nakuha nio pang magtawanan…Nakuha nio pang magpakasaya habang walang pagsidlan ang kahihiyan ng pasyenteng binababoy nio…at hindi pa kayo nakuntento dun kinunan nio pa ng video at pinakalat sa youtube…wala ba ni isa sa inyo ang nakonsensya? Wala ba ni isa sa inyo ang nakapag-isip ng “paano kaya kung sakin gawin to”…I’m sure wala…ang iniisip niong lahat



“BWAHAHAHAHA…ULOL TONG BAKLANG TOH….BWAHAHAHAHA…NAKAKATAWA…I-UPLOAD NATIN SA YOUTUBE TO PARA PAGTAWANAN XA NG BUONG MUNDO….BAKLA KASI XA….BWAHAHAHAHA….” Tama ba ko o mali? wag na kayo magdeny….leche kau….




Kahit saan ko tingnan…hindi nio kayang bigyan ng katwiran ang ginawa nio…na-violate nio ang pagkatao at dignidad ng isang tao…ewan ko nga kong nag apologize manlang kau sa pasyente…malamang hindi…kasi ung mga tulad niong demonyo lagging may naiisip na justification sa mga ginagawa niong kahayupan…Gusto kong i-wish na makarma kau at mangyari din sa inyo ung ginawa nio…pero ayoko…kasi d ko kau katulad…at sana walang tumulad sa inyo…






Xempre hindi mawawala ang pag-epal ng simbahan…maanong unahin nilang usigin ang mga demonyong doctors and nurses…Talagang pino-focus nila dun sa kabadingan ng pasyente ung issue…hindi un ung issue…ung issue dito ung kawalan ng galang ng mga doctors and nurses sa pagkatao at dignidad ng pasyente…Pwede ba…mauna ngang bumato ang walang bahid dungis…cge nga mauna ngang bumato ang hindi nagkakasala sa harapan ng Dyos (ayoko sana idamay ang Dyos)…cge nga mauna ngang bumato ang matuwid…cge nga father kung malinis ka…Kung pare-pareho lang tayong makasalanan…sino ang nagbigay ng karapatan sa mga doctors and nurses ng Vicento Sotto Memorial Hospital na mang-husga, gawing katawa-tawa, at alupustahin ang isang baklang makasalanan na lumapit bilang isang pasyenteng nangangailangan ng tulong mula sa mga alagad ng medisina?


Takot si Jha kay Weng Weng

Dear Readers,
Naalala nyo ba si Weng Weng? O kilala nyo ba si Weng Weng...Noong bata pa ako...talaga namang takut na takot ako kay Weng Weng...D ko alam kung baket...Cguro kasi maliit xa na parang bata (nakakatakot na bata na may nakakatakot na bangs), humahawak ng baril, at d ko maintindihan kung baket lagi xang may love interest/s sa mga action films nia...eto pang super nakaka disturb - maraming nagkakagustong babae sa kanya (sa pelikula)...ewan ko kung anong uri ng perversion ang tumama sa mga direktor noong 1880s...ewan ko ba...parang naguguluhan ako sa mga pangyayari sa buhay ni Weng Weng...Parang d maatim ng mura kong kaisipan...d ko maimagine si Weng Weng na may lovelife...
Weng Weng Rap



Trailer: For Yu'r Height Only (1981)



Ewan ko lang kung pinalabas sa ibang bansa ung movies ni Weng Weng...napansin ko kasing naka-dub ang mga movies nia sa English...
Sino si Weng Weng?
Si Weng Weng o Ernesto dela Cruz sa tunay na buhay ay isang action star (pinakamaliit na action star ng Pilipinas sa height nyang 2 feet and nine inches. Nag-umpisa ang career ni Weng Weng sa Showbiz noong ipinakilala xa ng kanyang martial arts instructor (kaya pala naging action star xa) sa film producer na si Peter Caballes...Una xang lumabas sa pelikulang "The Quick Brown Fox" noong 1980 bilang sidekick ni Dolphy...Noong 1981 nagkaroon xa ng sarili niang pelikula entitled "For Y'ur Height Only" kung saan xa ay gumanap na isang midget na spy. Tapos nagkaroon pa xa ng ibang pelikula tulad ng "The Impossible Kid" at "D' Wild Wild Weng" noong 1982...
Namatay xa noong August 29, 1992 sa atake sa puso...hindi katulad ng kini-claim ng isang user ng youtube...ayun sa user na ito...
wengweng died in the 80's the construction guy bashed his head with a hard metal 2x2 alloy. the guy thought that there's a mouse under the table and he bashed his head and wengweng died on the spot.

Thursday, August 14, 2008

For The First Time



Showing na sa Aug. 27 ang 'For the First Time'. Ang first team-up ng premiere young stars (daw) ng Pilipinas na si KC Concepcion and Richard Gutierrez. Maraming FIRSTS and movie na ito:

1. First Movie ni KC
2. First Movie ni KC kasama si Richard Gutierrez
3. First MOvie ni Richard Gutierrez sa Star Cinema
4. First Movie kung saan nag-negotiate ang Star Cinema at GMA Films

*marami na yan more than 1 na*

Maraming beses ko ng nakikita ang movie teasers nito sa ABS-CBN...Hindi naman ako maxadong interested sa movie na to (dahil sa hindi ako big fan ni KC at ni Richard) pero siguro kung may manlilibre sakin...Gora na ko...bwahahaha... Pero maraming nag-aabang ng movie na to at feeling ko magiging hit din naman xa...D lang kasing hit ng "A Very Special Love"...bwahahaha...Ang talagang gusto ko sa movie na to ay ung theme song nia...wala lang gusto ko lang ung pagkaka-kanta ni KC...^_^


For The First Time: Music Video




For The First Time: Teaser


A Series of Unfortunate Events

August 14, 2008
1:00 PM - Nagunta si Jha sa NBI Carriedo para kunin ang kanyang BNI Clearance....
2:00 PM - Nakarating si Jha sa NBI...Derecho xa sa Realeasing Section (Step 7)...Prenisenta ang resibo...Chi-neck ng matandang Staff
Staff: (Nakasimangot na para bang hadlang ako sa matagal na niyang hinihintay na Meryenda) Wala pa to dito punta ka sa Step 6 (Registration)
* Punta naman ako sa Steo 6..Tiningnan ni manong ang aking resibo*
Manong: For release na to...Punta ka sa Releasing *Leche kayo*
Staff: Balik ka sa Step 6 sabihin mo wala pa yung record mo...
Jha: Wala pa daw po dun ung record ko (Muling tiningnan ni manong ang resibo, nagbabakasakaling nandoon ang mapa ng Yamashita Treasure)
Manong: A alam ko na pa verify mo dito (Sabay turo sa maliit na table sa likod nia)
*Lumapit ako sa table...Hostile si Manong II...Naabala ko ang matiwasay na pagkain nia ng ginisang mani*
Jha: Magpapaverify po (with all timidity)
Manong II: Anong Surname mo?
Jha: La Traidora (real surname withheld) po...
Manong II: Ah ikaw pala...Alam mo naka-hold ung clearance mo...pano ba naman...tingnan mo ang NBI mo...(sabay labas ng NBI clearance ko na tinakasan na ng kaluluwa...Scotch tape nalang ang nagsisilbing life support system nito)
Manong II: Anong first name mo? (Hindi xa nag-aksayang itago ang pagkairita nia)...
Jha: Marimar po (real name withheld)...
Manong II: Tingnan mo nga d ko mabasa tong nakasulat dito (sabay turo ng mataba niang daliri sa clearance)
Jha: So ano pong gagawin ko? (pinipilit kong maging mahinahon kahit na gustong-gusto ko ng isubo sa kanya lahat ng mani sa kanyang table habang ginigilita ko xa ng leeg)
Manong II: Kailangan ng finger prints mo...punta ka sa baba...kumuha ka ng form tapos ifill-up mo...tas balik ka dito (Talsik-laway si Manong II).
*Ganun nga ang ginawa ko...after nun...pinapunta nia ako sa Correction churva, ok na daw...sapat na ang paghihirap ko ayun sa staff...napasaya ko na daw sila sa araw na ito...pumunta daw ako ng 3:00 sa Releasing para makuha ko na ang leche kong NBI clearance*
*Bumalik ako ng three sa Releasing at nakuha ko na ang aking clearance...malapit na matapos ang pagdurusa ko...Para makakuha ng Renewal Card churva kailangan magbayad ng 120 pesos...OK na un...at least d ko na kailangang mag renew ng mag renew...Wala pang isang minuto nakuha ko na ang card...Masaya na ako...OK na...uuwi na si Jha... Pero hindi pa pala natatapos ang series of unfortunate events ko...Kailangan ng matinding FINALE...ung kakabog sa mga Plays ni Shakespeare...*
Wala pang 5 minutes nawala ko na ang card...cguro 2 minutes lang nawala na xa....hay naku...yan ang finale ng series of unfortunate events ko...lahat nauwi sa wala...gumastos ako ng 1000 para sa wala...nakaka asar...

Wednesday, August 13, 2008

Nadukutan si Jha

Sa mga giliw kong Mambabasa,

Justify Full
I hope na maayos naman kayo at nasa mabuti kayong kalagayan...^_^


Kahapon, Aug. 12, nagpunta ako sa NBI Carriedo para i-renew ang NBI clearance ko na pinagdaanan na ng panahon at gutay-gutay na.
Nag-leave ako sa trabaho ng three days, from Aug. 12 to 14 sa kadahilanang wala na kong pera...talagang purita na ko kaya kahit pamasahe papuntang office wala na ko...Ginamit ko na rin ung leave ko para mag-renw ng NBI clearance at asikasuhin ang ID ko sa SSS. Dahil sa wala na kong pera nangutang muna ako sa nanay ko ng 500 at nangutang naman ako sa kapatid ko ng 100 para pampamasahe... Pinagpaplanuhan kong kumuha ng Renewal Card dahil mas makakamura ako dito dahil hindi na ito kailanagang i-renew every year..Hanggat buhay pa ang card mo valid xa...So ayun na nga...gumising ako ng maaga tapos gumayak..

May kaugalian kami ng nanay ko...Kada papasok ako ng trabaho pinapanalanagin nia ko...for blessing and protection...Walang palya un from monday to friday maliban nalang kung magkaaway kami at di nagpapansinan...Pero kahit na magkagalit kami..pinagpi-pray pa rin nia ako...So kahapon dahil sa busy xa at dahil sa nagmamadali ako d na nia ako napag-pray...Bago ako umalis ng bahay nakita ko ang aking pulang pamaypay...parang may bumubulong sakin na dalhin ko ang pamaypay..d ko alam kung baket...

So ayun na nga..wala namanng maxadong hapenning nung nasa jeep ako...tas sakay ako ng LRT...Maraming gwapo sa LRT...mga estudyante...pero hindi ako naghahanap ng lovelife...bwahahahahaha....^_^

Dumating na sa Carriedo Station...bumaba ako...first time ko to na pumunta ng NBI na walang kasama...nalungkot ako kasi dati lagi ko kasama ang college friends ko sa tuwing may lakarang ganito...Ngayon mag-isa lang ako...nakakalungkot...naalala ko na naman ung college days...bwahahaha...sa tingin ko sa lahat sa aming magkaka-klase ako ang d makapag move-on...talagang miss na miss ko lahat ng tungkol sa skul...

Nakababa na ko ng station...sa unang tingin parang mas malinis ang Carriedo ngaun...parang mas orderly...d tulad noong 2006 (huli kong punta), maxadong magulo...ngayon mejo maaliwalas...Pero nandun pa rin ang mga nagtitinda ng pirated DVDs at VCDs...Nandun pa rin ang mga fixers at mga nagtitinda ng ballpen at kung anik-anik pa na sinasabi nilang kailangan sa pagkuha ng NBI clearance...Alam ko na to, hindi nio na ko maloloko sabi ko sa sarili ko...Naramdaman kong parang gumagalaw ang bag ko...
*Nakaugalian ko ng ilagay ang lahat ng pera ko sa bulsa ng bag ko...Ung kaisa-isang bulsa sa labas...*

Gumalaw ung bag ko...kinabahan ako...tiningnan ko...bukas ung bulsa...mas tumindi ang kaba ko...nakita kong wala na ung pera ko...apat na tig 20 at ung 500...wala na..chineck ko ang bulsa ko...tinitingnan na ko ng mga nagtitinda ng ballpen...Hindi maitagao ang shock ko...Yung mga tao sa likod ko...*hindi ko sure, pero nakita kong nakangiti ung mag nasa likod ko na kukuha din ng NBI* Nakita kong nagbubulungan ang mga tindera at ang mga tao sa tapat ng building...Tiningnan ko pa ulit ung buls ang bag...baka namamalikmata lang ako...Tapos natanggap ko na ang katotohanang nadukutan ako...bwahahaha...kawawa naman ako...una kong naisip pano ako uuwi? shucks!!! walang natira sa pera ko...meron pala dalawang 10 saka piso...11 lahat...Pucha!! d ako makaka-uwi 16-17 ang pamasahe sa jeep...Gusto ko ng maiyak...gusto kong tanungin ang mga nakatininging tao sa akin kung nakita nila ung kumuha ng pera ko...Pero ayoko gumawa ng eksena...Ayokong kaawaan o pagtawanan...So ang ginawa ko inipon ko lahat ng grace and dignity na natitira sa katawan ko...exit ako na parang walang nangyari...Naglakad ako ng mabilis palayo sa lugar na yun...

Naaawa ako sa sarili ko...malayo-layo ang lalakarin ko...kulang ang pamasahe ko...ayokong magmakaawa sa driver na tanggapin nia ang natitira kong pera...ayokong maawa xa at ang ibang mga pasahero sakin o pagtawanan ako dahil nadukutan ako...Mas lalong d ko maaatim na mag ONE TWO THREE...kaya anong ginawa ko? E di naglakad...bwahahaha...kawawa naman ako...Sa kalagitnaan ng araw nag lakad ako...Lahat ng nakakasalubong ko tumitingin sa akin at sa basang-basa kong damit...basa na ko ng pawis...


Naisip ko...pano kaya kung nahuli ung nandukot sakin? Sigurado sasabihin nia...napilitan lang xa gawin yun...Na meron xang anak o asawang buntis...Na first time lang niang ginawa yun...na d na xa uulit...na kasalanan ng gobyerno lahat...na nasa pwesto ang mga tunay na magnanakaw...Nakaka-awa xa at nakaka-asar...Nakaka-awa dahil siguradong hirap xa sa buhay kaya nia nagawa yun...Nakaka-asar dahil wala xang karapatang agawin ang pera ng iba...kahit pa sabihin niang naghihirap xa at napilitan lang xa...Bakit xa lang ba ang naghihirap...alam ba nia na inutang ko ung perang un? alam ba nia na pinaghirapan ung perang un...alam ba niang naghihirap din ako? nagtanong ba manlang xa kung may pamasahe manlang ako pauwi...hindi xa nagtira...Makasarili xa...


Eto ako naglalakad sa gitna ng araw...habang xa...nagpapakasaya sa perang inutang ko...Ang sakit ng paa ko kakalakad...Nahihiya ako sa mga taong nakakakita sakin na nakasakay sa jeep...lalo na pag traffic dahil naoobserbahan nilang malayo na ang nilakad ko...hindi nagsisinungaling ang pawis sa buo kong katawa...Bwahahaahah...pero may narealize ako...


Hindi kami magkatulad...bwahahaha...un lang ok na...^_^...



Bwahahaha...mejo mahaba ang entry ko na ito...kasi naman...gusto ko lang ipaalam sa inyo ang sinapit ko...Maraming salamat sa mga bumibisita sa blog ko...^_^

Monday, August 4, 2008

DBSK (TVXQ)







Miduhyo - DBSK



TVXQ (Tong Vfang Xien Qi aka BDSK) is a South Korean boy band formed by SM Entertainment. In 2003, the group made its first appearance during a BoA and Britney Spears Showcase performing their debut song “Hug”. In 2004, the group released two singles entitled “Hug” and “The Way U Are”. The group released their first album in 2004 entitled “Tri-Angle”. In 2005, TVXQ expanded their career in Japan. The group marked its official debut in Japan with the release of the single “Stay with Me Tonight” which was followed by “Somebody to Love” and “My Destiny”. The second album “Rising Sun” was a huge success and because of great demand, the album was officially released on other foreign countries in 2007. TVXQ later released a joint single album with Super Junior entitled “Show Me Your Love” which also debuted number one on the monthly charts. After their success in South Korea and Japan, TVXQ continued their career expansion to other Asian countries such as Malaysia, Thailand and China.



Members


Hero Jaejoong




















Stage Name: Stage Name : HERO | Young Woong Jae Joong (영웅재중 or 英雄在中)
Real Name : Kim Jae Joong (
김재중, 金在中)

Birth Date: Jan. 26, 1986
Position: Main Vocals

Hero Jaejoong debuted with the mysterious and cold personality image. He was at first given the role as main vocals but later on, that role just depended on the song they sang. He was discovered with great vocal talents, though he didnt start out that way, and had won a award for being seriously good looking. He used to smoke but has stopped now. He’s very talkative and loves making balloon animals and cooking. He is mostly known for: vocals, cute laugh, good looks, cold first impression, and cooking skills.



U-Know Yunho

















Stage Name : U-KNOW | U-Know Yun Ho (유노윤호 or 卤允浩)
Real Name: Jung Yun Ho (
정윤호, 鄭允浩)

Birth Date: Feb. 06, 1986
Position: Baritone, Leader

Yunho debuted as the manly leader of the group. Was given the role of the leader since Jaejoong didnt want it and neither did the rest of the members. He was discovered in a dance competition. He is mostly known for: dance skills, delicate face, and being the leader of DBSK .



Micky Yoochun


















Stage Name : MICKY | Micky Yoo Chun (믹키유천 or 秘奇有天/秘奇有仟)
Real Name: Park Yoo Chun (
박유천, 朴有天)

Birth Date: April 06, 1986
Position: Bass- baritone

Micky was the last minute member. He debuted with the role of a gentle and romantic guy, though in reality he’s a complete prankster that likes to play with peoples minds. He was discovered in the US and was brought to korea for training before the debut of DBSK . He is mostly known for: being very romantic, pranks, being able to speak english with less of an accent than the others.



Xiah Junsu



















Stage Name : XIAH | Xiah Jun Su (시아준수 or 細亞俊秀)
Real Name: Kim Jun Su (
김준수, 金俊秀)

Birth Date: Dec. 15, 1986
Position: Baritenor

Xiah is considered as the angel of the group. He debuted with the image of high class, and charisma, but after a certain incident, he became the cute and adorable Xiah pratically all of asia loves. He was the first to be part of DBSK. The worst times of his life was when his voice was changing, spent three years with a cracked voice, unable to sing. He is mostly known for: his angelic smile, angelic laugh – known for being a complete angel!



Max Changmin





















Stage Name : MAX | Choi Kang Chang Min (최강창민 or 强昌珉)
Real Name: Shim Chang Min (
심창민, 沈昌珉)

Birth Date: Feb. 18, 1988
Position: Tenor

Max is the youngest of the group. Debuted with the cute and adorable image, but after the incident with Junsu, Changmin grew his hair out, got a way darker tan, and grew taller, changing his image to Tall, Dark and Handsome! He is mostly known for: his ability to eat 7 meals a day, adorably happy expression where his eyes are somewhat mismatched, and being the youngest yet tallest of the group.








Custom Search